00:00
Kung minsan ang mga insidente ay nangyayari sa trabaho.
00:04
Kung mangyari ito, nandiyan ang WorkSafe para tumulong.
00:10
Nandiyan ang WorkSafe upang matiyak na ang lahat ng manggagawa ay ligtas hangga’t maaari sa kanilang lugar ng trabaho.
00:19
Isang ligal na kahilingan para sa lahat ng mga industriya at manggagawa sa Victoria na masakop ng WorkSafe kung sakaling magkaroon ng pinsala sa lugar ng trabaho.
00:32
Bilang isang manggagawa ikaw ay sakop kahit na ikaw ay nagtatrabaho ng full time, part-time o kaswal.
00:40
Kung ikaw ay mapinsala sa trabaho,
00:43
dapat kang gumawa ng ‘kahilingan para sa bayad-pinsala’ (claim) sa iyong amo.
00:51
- ito ay makakatulong sa iyong makakuha ng bayad-pinsala para sa panahong hindi ka makapagtrabaho at para sa mga gastos sa pagpapagamot ng iyong pinsala,
01:02
upang makabalik ka sa ligtas na pagtatrabaho sa lalong madaling panahon.
01:07
Ang magandang balita ay mayroong minimal na gastos sa iyong amo.
01:13
Nakikipagtulungan ang WorkSafe sa mga manggagawa at mga amo, subalit ang kanilang pangunahing layunin ay matiyak ang kaligtasan sa lugar ng trabaho sa lahat ng oras.
01:26
Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagsuri sa mga lugar ng trabaho
01:31
upang masigurong sila ay gumagamit ng mga ligtas na pamamaraan sa trabaho.
01:37
Ang impormasyon ay nasa online na sa iyong wika sa www.worksafe.vic.gov.au/tagalog
01:51
O para sa isang interpreter, tumawag sa 131 450 at makipag-usap sa WorkSafe ngayon.